Bagamat ginulantang tayo sa biglang pagtaaas ng presyo ng pamasahe sa MRT at LRT nung ika-4 ng Enero, ngayon ay mas nakakagalit ang sunod-sunod na pagtaas nito, na inabot na ang halos 100% porsyento ang itinaas, mula sa 50% lamang nung pagpasok ng taon 2015. Kung dati-rati’y Php 12.50 ang pinakamalayong biyahe, ngayon ay Php 25.00 na. Ayon sa Department of Transportation and Communication (DOTC) , ang nasabing mga pampublikong transportasyon ang kailangang magtaas ng presyo para mapanatiling maayos at mahusayang operasyon nito. Subalit nitong mga nakaraang buwan, imbes na ginhawa, nakakagimbal ang takotna idinudulot nito para sa libo-libong mamamayang komyuter (na umaabot sa MRT sa 500,000 to 800,000 pasahero araw-araw ng MRT, at 500,000 ng LRT 1 at 250,000 ng LRT 2) ng pampublikong tren. Ang pagtaas ng pasahe ng MRT/LRT na sinimulan nung ika-4 ng Enero,ay isang patunay na mas mahalaga ang kinikita ng pribadong kontratista, gaya ng Metrostar Express, ang TES Philippines Inc. (na subsidyo ng Mitsubishi Heavy Industry. Imbes na kaalwaan sa mga commuter, lalong pinapainit ang ating damdamin sa hindi makartarungang paniningil kapalit ay palpak na serbisyo ng Metro Star (private operators) at DOTC.
Hindi na mabilang kung ilang beses nasira ang MRT na naging sanhi ng abala at pagkaantala ng maraming pasahero. Nariyan ang sunod sunod na pag-antala dahil sa maya’t mayang pagkasira ng mga bagon o di kaya’y mga aksidenteng na naglagay sa peligro sa buhay ng mga komyuter. Subalit kaya namang maiwasan ang mga ito, kung maayos at pangunahin ang kapakananng mga mamayang at pagseseguro sa ligtas na pampublikong transportasyon, at hindi ang kita ng mga pribadong kumpanyang nagpapakasasa sa kontratang may garantisadong malaking kita, na sineguro ng ating gobyerno sa kanila.KITA at hindi serbisyo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng MRT at LRT.
Ang parehong kontratang 25-year Build-Lease-Transferng Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at32-year Concession Agreement ng Light Rail Transit Consortium (LRTC) ay nagtatalaga sa gobyerno na magbigay ng garantisadong pinansya mula sa operasyon ng private contractors’ at siguradong mataas na kita o high return on investment (ROI) . Ang mga kontratang ito ay nagseseguro din ng matas na pautang para sa private corporations, at garantisadong 15 percent ng ROI para sa MRTC, ang pagbayad ng gobyerno sa kakulangan ng kikitain para sa LRTC, kung ang presyo ng pamasahe ay hindi sasapat para maseguro ang garantisadong kita. Dagdag pa rito ay ang pag-garantiya ng ating gobyerno na di kailangang magbayad ng corporate income taxes, ang mga pribaong operators.
Kung kaya’t, kinakailangan maningil ng mas mataas na presyo sa pasahero, dahil, binawasan na ng gobyerno ang subsidyo nito sa MRTC at LRTC, pero kailangan pa rin niyang garantiyahan ang kanilang kita. Sa madaling sabi, ipinasa sa mamamayan ang pagsingil sa kita nila. Pasan pasan ngayon ng komyuter, ang mataas na pamasahe, kahit palapak ang serbisyo ng MRT at LRT. Malinaw na ang pribatisasyon ng mga batayang serbisyo gaya ng transportasyon ay nagdudulot ng dagdag na pasakit sa mamamayan. Karapatan ng mga mamayan ang magkaroon ng mura, may kalidad at ligtas na pamublikong transportasyon.
Tama na ang ang kasinungalingan. Pagsilihan dapat ng gobyerno ang kanyang mamamayan, hindi ang mga pribadong korporasyon. Baguhin ang hindi makatarungan kontrata, at IBABA ang presyo ng pasahe. Ang tamang impormasyon ay dapat mag-armas sa mamamayan ay pigilan ang katiwaliang ito. Dapat Kanselahin ang kontrata ng pribadong kumpanya ibalik sa pampublikong kontrol.
Ang ating panawagan MURA, LIGTAS, KALIDAD na pampublikong transportasyon. PALAG NA!